Alamin Ang Kwento Ng Taong Nakapunta Sa Bermuda Triangle At Ang Mga Nasaksihan Nito

1

Ang sinasabing isla sa boundary ng Straits of Florida sa Bahamas at Silangan patungong Azores sa Rehiyon ng North Western Atlantic Ocean. Ano nga ba ang misteryong nagkukubli sa karagatan na palibot ng Bermuda Triangle kung saan biglang nawawala ang mga nagagawi ditong mga barko, yate at maging mga aircrafts. Ito ba’y pagkakataon lang?

Bakit tinawag ito ni Christopher Columbus na “THE DEVILS ISLAND”. Siya ang unang nagdokumento nito noong Oct. 11, 1492, kung saan ilang buwan nilang sinubaybayan ang naturang isla katulong ang kaniyang mga crew. Kung saan sa kalagitnaan ng kanilang pamamahinga bandang alas tres ng madaling araw sa barko nila.

Kahit napakalayo ay kitang kita nila ang tila mga bolang apoy na nagliliparan sa karagatan malapit sa isla. At tila kung anong mga tinig na nagsama-sama na tila humihiyaw o nag-iiyakan. Masakit sa tenga,mabigat sa damdamin ang mga halo-halong tinig. nakabibingi kahit mahina na lang ito,dahil may kalayuan sila.

Ang Kwento ni Sandy

Ang tunay na kwento ni Sandy 28 years old nag-iisang anak siya ng isang multi billionaire na si Conrad  panahong 1998 ng magdiwang ng 28th birthday si Sandy, niregaluhan ito ng amang si Conrad ng isang first class na yate na parang maliit na ship. Masayang masaya si Sandy at nagyaya ng mga kaibigan para magparty sa kaniyang bagong yate, 12 silang magkakaibigan. Inuman magdamag, kantahan,sayawan at party, party talaga!

Si Sandy hindi naniniwala sa sinasabing The Devil’s Island. Ng taong 1992 ay pinanuod niya ang program ng TBT sa UK channel 4 ni John Simmons ng Geo Films sa Equinox Series nito kung saan tinalakay ang naturang isla.

Natutuwa siya dahil para sa kaniya ay sira ang ulo na naniniwala sa Killer Island. Ang mga nawawalang ships ay gawa lang ng sobrang alon sa lugar na yon sabi niya. Ang iba ay human error at nagkataon lang. Gayun din ang pagkasira ng compass ng mga eroplano.

Pinagkatuwaan nilang magtu-tropa na gumawi banda sa naturang isla. Ang iba ay ayaw sumama, dahil maalon sa bandang iyon ng karagatan na sanhi sa paglubog ng mga sasakyan pandagat. May tila malakas na pwersa na humihila daw kaya wala ng nakakabalik na mga barko banda don. Pero mas madami pa din sa kanila na gusto talagang i-explore ang Bermuda Triangle Island kasama si Sandy.

E bakit kaya nila kinakatakutan ang mala paraisong isla? Maayos naman ang panahon,kaya panatag silang naglayag papalapit sa gawing iyon, aniya. Hanggang sa tila kusa na silang hinihila papalapit. Napamura ang kapitan ng yate,sa bandang kinaroroonan nila ay kakaiba na ang alimpuyo ng alon. Pero nagkakasayahan pa din ang magkakabarkada sa loob. Hanggang sa gumiwang-giwang na sila at nawalan na ng control ang manubela.

Nagkagulo at nagkasisihan na at muntik pang magkasakitan dahil ang mga kalalakihan sa yate ay lango na sa alak. Pero si Sandy ay nagsisimula ng matuwa, dahil mararanasan niya na ang sinasabing misteryo ng paranormal na isla. Siya ang nagpalakas ng loob ng mga kasama, sinabi niyang lahat ay may scientific explanation. Pero nagpapanic na ang mga kasama, kesyo kukunin na sila ng mga sirena na naninirahan dito at kumukontrol sa kanila.

Ang iba naman ay sinasabing may mga demonyo doon at dadalhin sila sa impyerno at baka isumpa sila. Marami pang mga pinagsasabi ang mga kasama niya at nagsimula ng magdasal ang iba. Nawala ang kaartehan ng mga kababaihan at kalasingan ng mga lalake. Nagsimula na ding balutin ng takot si Sandy ng mapansin na pawala na ang liwanag at tila mag gagabi na. Iba na din ang ragasa na kaba sa kaniyang buong pagkatao.

Napapikit siya, kasabay ng pagsisisi at ng halo halo pang emosyon. Tila nilukob sila ng makapal na usok at hindi sila makahinga, hindi sila magkamayaw, lahat sila ay hindi na makahinga at kung saan saang bahagi sila tumitilapon sa tuwing gumigiwang ang yateng kinalulunan. Masakit at pagod ang mga katawan nila,iyon ang kaniyang mga huling alaala bago sila panawan ng ulirat.

Alam ni Sandy na siya ay nasa malalim na pagkakatulog pero kakatwang batid niya at nararamdaman ang nangyayari sa kaniyang paligid. Nadama niya na tumigil na sa pagewang ang yate at payapa na ang karagatan. At tila dumaong na ang kanilang yate.

Ramdam din niyang tila umangat ang kaniyang katawan na tila may matitigas at malalaking kamay na bumubuhat sa kaniya. Ang malamig na simoy ng hangin ay alam niyang mula sa mga puno at halaman. May naririnig siyang maliliit at matitinis na boses at tila nag kakasiyahan, masakit sa tenga na tila gustong dumugo ng tenga niya pero may mga tinig din na tila mga nahihirapan, umiiyak at humihingi ng tulong, tila gustong kumawala.

Bigla nalang ang pag init at pagtahimik ng kapaligiran. Tuluyan na siyang nakatulog at bangungot ang sumalubong sa kaniya, bangungot ng katotohanan ng nakaraan, ang pagkamatay ng kaniyang ina, ang mga inabot niyang sama ng loob sa dati niyang kasintahan at kung anu-ano pang kasamaang ala-ala sa buhay niya. Hanggang sa umabot na sa kasalukuyan ang bangungot niya ng sila ay nasa yate na at higupin ng unos ng karagatan at ang pagewang ng kanilang yate.

Ang takot at ang sakit ng katawan at ang mga pagsisisi, nakita niya sa panaginip ang magandang isla, ang tahimik ng karagatan at ang mga floating flames ang mga usok na tila ginagayuma siya papalapit. Ang mga kasama niya ay sugatan at umuungol sila’y naiwan sa dalampasigan. Ang simoy ng hangin ay biglang naging mabaho at kasula-sulasok, nakakasuka. masakit sa dibdib.

At ang mga ingay ay nakaka stress, parang libo-libong boses ng mga pinahihirapang mga tao? Parang gusto niya ng mamatay. hindi niya na kaya ang bangungot. Nahihilo siya at tila magkakasakit.

Sumusugat sa kaniyang paningin ang tila ba mga imahe na nakakatakot. Parang mga hayop, mabalahibo, may malalake at may maliliit, mababaho at may mga sungay, buntot at mahahaba ang mga kuko. Malabo sa kaniyang balintataw pero tiyak niyang may mga hinihila itong mga katawan ng tao, pinagpapatong patong at tutuhugin ng isang mahaba at makapal na sibat.

Hindi maintindihan ang mga usapan ng mga ito dahil sabay sabay ang pagsasalita at hindi niya alam ang lenggwaheng ginagamit. Pero kataka-taka na naintindihan niya ang sinabi ng pinaka malake sa tila demonyo. Lumapit ito sa kaniya at sinabing “ang impyerno ay nasa loob din daw ng daigdig, kung saan pinahihirapan ni Satanas ang bilyon-bilyong kaluluwa sa dagat-dagatang apoy at ang iba ay nasa kawalan ng mga ligaw na makasalanang espiritu.

Ang espiritwal na mundo ng mga demonyo ay nasa pusod ng mundo at hindi mararating ng kahit sinong buhay na katawan ng tao. Hindi daw makikita at mararamdaman ang lagusan. Madami pa daw demonyo ang naglalakbay at nilalason ang isip ng mga tao.

Inaakit gumawa ng masama at ang kaluluwa nila ay aagawin sa Panginoon at darating ang panahon na kasing dami ng buhangin sa dalampasigan ang mapapahamak at kasing konti na lamang ng mga bituin sa langit ang maililigtas, at ang dugo ng mga makasalanan ang magpapakawala sa dragong may tatlong ulo na aahon sa gitna ng malawak na karagatan sa daigdig at ipakikilala si Satanas.

Parang masisira ang ulo ni Sandy sa kaniyang bangungot. May naaaninag din siyang parang lagusan at sa loob nito ay napakadilim. Sumisingaw ang tila mga bulok na laman ng napakaraming tao, kakaiba ang amoy na tila ngayon lang siya naka amoy ng ganung klaseng amoy na masakit sa ulo.

Iyon ang huli niyang natatandaan bago mawala ang kaniyang mga bangungot. Tila isang linggo siyang nakatulog. Pagod na pagod ang katawan niya na tila napakalayo ng kaniyang nilakbay. Nagising siya sa loob ng yate pero ang yate ay hindi na umaandar. Tumayo siya na duguan ulo na tila tumama siya kung saan. Nakita niya na tila nakatagilid at malapit ng lumubog ang yate.

Naalala niya ang mga naganap, ang kaniyang mga bangungot, ang kaniyang mga kasama. Hinanap niya ang mga ito subalit sa labing dalawa niyang kasama ay lima na lang ang nakita niyang nakahandusay sa ibat-ibang parte ng yate hanggang sa mawalan na naman siya ng malay. Ng muling magising siya ay katabi niya na ang ama, at siya’y nakahiga sa hospital bed.

Nalaman niyang mahigit sampung taon na pala silang nawawala at pinaghahahanap sa karagatan ng mga coastguards hanggang sa sumuko na ang mga ito kakahanap. Pero isang himala na after 1oyears ay natagpuan ang nawawalang yate sa gitna ng malawak na karagatan.

Nakapagtataka dahil sa loob ng sampung taon ay hindi man lang sila tumanda. At kahit siya ay di makapaniwala dahil napakatagal ng sampung taon at isa pa alam niyang isang araw pa lang ang lumipas.

Gulat na gulat siya at lalo pa siyang nagulat ng malamang patay na ang iba niyang mga kasama at ang iba ay nawawala pa rin, na marahil ay nahulog na sa yate at nilamon na mg karagatan. Tulala pa din ang ibang nakaligtas at ang iba’y walang maalala. Mula ng araw na yon, nag iba na si Sandy at sinimulan niya ng isulat ang kaniyang kwento.

Sa mga naniniwala o hindi naniniwala hindi kayo pinipilit. Ang kwentong ito ay misteryo parin para sa akin. Subalit, hindi masama na buksan natin ang ating isipan sa mga ganitong kwento, wag lang natin isang tabi ang ating paniniwala sa Diyos dahil siya ang gagabay sa atin sa mga panahong tayo ay naguguluhan. Ang mundo ay isang malaking misteryo.

Facebook Comments
Please follow and like us:

One thought on “Alamin Ang Kwento Ng Taong Nakapunta Sa Bermuda Triangle At Ang Mga Nasaksihan Nito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

Alamin Kung Paano Sumali Sa Internet Beta Testing Ng SpaceX: Starlink

Mon Jun 22 , 2020
Post Shares: 350 Daan-daang mga satellite ng Starlink ang kasalukuyang nag-o-orbit ng Earth, at hinihiling ng SpaceX na mag-sign up ang mga tao para sa isang pagkakataon na subukan ang kanilang serbisyo. Sa nakaraang taon, inilunsad ng SpaceX ang higit sa 500 mga satellite sa Earth orbit upang mabuo ang […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email