Alamin! Mga Katangian Na Gusto Ng Mga Estudyante Sa Isang Guro

4

Kahit sino man ay pwedeng maging isang guro. Kahit sinong tao na ibig sabihin, iba’t ibang katangian din ang tinataglay nito.
Mayroong pamamaraan ng pagtuturo na pawang trabaho lamang. Yung tipong kahit hindi nakikinig ang mga mag-aaral o walang naiintindihan ang mga ito, ay walang pakealam ang guro. Yung tipong hindi na baleng hindi nakikinig at walang naiintindihan ang mga mag-aaral, basta’t nagawa na niya ang kaniyang tungkulin na magturo.


Mayroon namang isang katangian ng guro na kung saan hinahaloan nito ng patawa o “jokes” ang kaniyang pamamaraan ng pagtuturo nang sa gayon ay mahikayat at makuha ang atensyon ng mga mag-aarl at upang mas maganahan ito sa pakikinig sa klase.


At hindi naman papahuli ang isang katagian ng isang guro na kung saan ang pamamaraan nito ng pagtuturo ay ang pagbibigay ng hugot sa buhay o mga “inspirational quotes” sa mga mag-aaral na siyang isa sa pinakagusto kong tinatangi ng isang tagapagturo sa skwela. Na kung saan sa bawat pagtuturo nito ay talagang mayroong mga salitang tatagos sa puso mo. Mga salitang magbibigay saiyo ng lakas at inspirasyon upang kumayod at magsipag sa pag-aaral at ng maabot ang mga minimithing pangarap na maka-ahon sa buhay. Mga pangarap na makatulong at makabawi sa mga sakripisyong ibinigay ng mga magulang o sa mga taong tumulong na makapagtapos lang sa pag-aaral.


Isang guro na nagbibigay motibasyong kahit ilang ulit ka nang nadapa sa mga hamon sa buhay, ay patuloy pa rin ang pagbangon. Patuloy pa rin ang laban para sa pangarap. Para sa mabango at magandang kinabukasan.
Ang guro na siyang ikalawa na nating magulang. Siyang nagtuturo kung ano at kung gaano kaganda mabuhay sa buhay. Siyang nagtuturo na patuloy lang ang laban, nagtuturo kung gaano kasaya makamit ang ninanais na kinabukasan at iyon ay Edukasyon lamang ang nag iisang susi upang ito’y makamtan.


Kaya dapat natin pasalamatan ang mga guro natin. Mga gurong naging bayani na natin. Gurong bayani na kung saan, sila ang naging dahilan ng pagkakaroon natin ng kaalaman. Kaalaman sa mga bagay na wala tayong kaalam alam. Kaalaman kung paano maipapanalo ang buhay, kung paano makakamit ang mga nagniningningang mga pangarap na matagal nang hinahangad. Mga pangarap na kay sarap sarap malanghap ang napakabangong halimuyak ng iyong mga pinaghirapan.


Ang mga gurong nararapat mahalin at respetohin. Mga gurong nararapat parangalan sapagkat kung wala sila, kung wala ang pagtuturo nila, maaaring nasa madilim na tayong parti ng mga buhay natin. Mga gurong nagbibigay liwanag sa mga dinadaanan natin patungo sa matuwid na daan tungo sa ating kinabukasan.


Sabi niyo pa nga po, karangalan ninyo ang makita kaming maabot ang aming mga pangarap. Ang pangarap na makapagsuot ng itim na toga at makapaso sa intablado habang unti unting inaabot ang pinakahihintay na regalo. Ang diploma. Para po sa inyo ang mga pagsisikap naming makapagtapos sa pag-aaral.


Sa mga guro, maraming maraming salamat po sa patuloy na pagtayo bilang ikalawa naming magulang. Salamat sa mga tuntuning natutonan namin, sa mga sakripisyong inalay ninyo. Sa oras, pasensya, at pagmamahal ninyo sa aming mga mag-aaral. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Para sa inyo ang laban na ito!

Facebook Comments
Please follow and like us:

4 thoughts on “Alamin! Mga Katangian Na Gusto Ng Mga Estudyante Sa Isang Guro

  1. Sa mga guro, maraming maraming salamat po sa patuloy na pagtayo bilang ikalawa naming magulang. Salamat sa mga tuntuning natutonan namin, sa mga sakripisyong inalay ninyo. Sa oras, pasensya, at pagmamahal ninyo sa aming mga mag-aaral. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Para sa inyo ang laban na ito!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

Minolestiya ng Indian Doctor ang Isang Pasyenteng May C0VID-19

Sat Jul 25 , 2020
Post Shares: 175 Arestado ang isang 30-anyos na doktor ng isang ospital matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa pasyenteng may COVID-19. Base sa report, noo’y nasa isolation ward ang 25-anyos na pasyente at nagpapagamot matapos magpositibo sa virus. Sa inihaing reklamo ng biktima, pumasok daw si Dr. Tufail Ahmad ng isang […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email