Ang Kahalagahan ng Social Media sa Ating Araw-araw na Buhay

5

Sa panahon ngayon karamihan ay gumagamit na ng social media kung saan iilan na lamang ang hindi gumagamit nito mapabata man o matanda, dala na rin ng modernisasyon. Gaya ng Facebook, Instagram, Twitter, at ang pinakapatok ngayon ang Tiktok na kina-aaliwan ng karamihan dala ng rin ng sobrang kainipan. Lalo na sa mga oras na ito na kung saan ipinapatupad ang Home Quarantine dahil sa pandemyang Corona Virus Diseased 2019 o mas kilalang CoViD-19.


Napakahalaga ng social media. Marami itong naitutulong sa atin. Bukod sa nakakatulong ito sa pakikipag komunikasyon, nakakatulong rin ito sa pag-aaral lalong lalo na sa pag re-rsearch. Napakahalaga din nito sapagkat dahil dito nakaka-usap natin mga mahal natin sa buhay na nasa malalayong lugar o kahit saang dako paman ito ng mundo.

Dito din tayo nakakukuha ng mga napapanahong impormasyon o balita tungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran na dapat nating malaman. Gaya na lamang ng nagbabagang balita na ang crush mo ay may jowa na pala. Nakakalungkot mang isipin subalit kailangang tanggapin.


Dahil din sa social media, naging sikat ang pag bebenta ng kung ano-ano sa online o mas kilalang ‘online selling’, na kung saan talagang patok na patok sa mga oras na ito. At bilang isa sa mga ‘online seller’, masasabi kong mas mabuti pang maging abala sa pagbebenta online sapagkat kikita ka na, makakapag ipon ka pa! Kesa sa maging abala sa taong abala sa iba. Tulad ng crush mo ngayon na napaka imposibleng e crucrushback ka. Napakasakit na isipin subalit kailangan talagang tanggapin.


Ito pa, dahil sa social media lalong lalo na sa Tiktok, marami ang naaliw sa talagang nakakaaliw na mga videos. Kahit para kang tanga sa pag kukuha ng nito, bawing bawi naman sa saya na maibibigay mo sa madla. Kaya payong kapatid lamang, di bali nang parang tanga dahil sa pag ti-tiktok, huwag lang maging tanga sa crush mo na may jowa! Ang kirot isipin ngunit talagang kailangan tanggapin.


Sa pag gising sa umaga, imbis na magpasalamat para sa panibagong araw sa Panginoon, sa Cellphone agad nakatuon. Sabay kukuha ng litrato kahit hindi pa nakapagmuta at nakapagsipilyo, makuha lang ang tamang anggulo. Pagkalipas ang ilang minuto, post agad sa facebook with caption “Good morning world! Just woke up.”. Sa pagkain naman, imbis na magdasal bago kumain, kukunan muna ng litrato tapos post sa Instragram with caption, “kain tayo”. Dahil dito, hindi talaga mapagkakailang, hindi makokompleto ang araw mo kung wala ang social media.


Minsan nga nakakalimutan na natin ang mga napakahalang bagay at asal na ating kina gawian. Gaya na lamang sa pag gising sa umaga at bago kumain, ang pagpapasalamat sa Maykapal sa panibagong biyaya na ating natatanggap; nakakalimutan na nating magsipag sapagkat nasanay na tayo sa pag gamit ng social media na kung saan mas napapadali ang mga gawain. Gaya na lamang sa skwela, imbis dapat mag sulat, kinukuhanan na lamang ito ng litrato.


Hindi natin alam na dahil sa mga ito, natutoto tayong maging tamad. At dahil nasanay na tayo bilis na taglay ng social media, nawawalan na tayo ng haba ng pasensya. Gaya na lamang sa pagcha-chat sa messenger, hindi lang tayo na re-replyan agad, nagagalit na tayo. Dahil nga nasanay na tayo sa mabibilis na pagtugon ng social media, nasasanay na rin tayong mawalan ng haba pasensya.


Kaya, bawas bawasan natin ang pag gamit nito. Laging tandaan, “Think before you click.”.

Facebook Comments
Please follow and like us:

5 thoughts on “Ang Kahalagahan ng Social Media sa Ating Araw-araw na Buhay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

Lolang natutulog sa ilalim ng footbridge, ninakawan ng gamit!

Fri Jul 24 , 2020
Post Shares: 140 Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa matandang street dweller na natutulog sa ilalim ng footbridge sa Barangay 138, Caloocan City. Sa video, makikita ang suspek na kinilalang si Martin Caliope na umaaligid sa puwesto ng biktimang si Milagros Bautista, 68 taong gulang, pasado alas-4 […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email