Dentista at Pharmacist na ang anak ng “TRICYCLE DRIVER”

6

Hindi kinalimutan ng isang anak na pasalamatan ang kaniyang tatay na itinaguyod ang pag-aaral nilang dalawang magkapatid sa pamamagitan ng pamamasada ng tricycle at pagsasaka.

Maraming netizen ang naantig ang puso sa kuwento ni Marga Santiago Suobiron dulot ng matinding pagsasakripsyo ng padre de pamilya para mabigyan sila ng maayos at marangyang buhay.

Nagbunga ang pagsusumikap ng ama dahil isa na ngayong dentista si Marga habang pharmacist naman ang kapatid niyang babae.

Kuwento niya sa social media post, nagtratrabaho sa bukid ang tatay niyang tuwing umaga bago sila ihatid sa eskuwelahan at pagkaraan ay rumaraket ito sa maghapon bilang tricyle driver.

“Kada kita niya sa pasada nilalagay nya yung ti-tig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya. Then pag may babayaran sa school dun sya kumukuha,” patuloy ng dalaga.

May isang beses daw na humingi siya ng P20,000 para sa proyekto. Pero imbis na magalit o magreklamo, mabilis pa raw sa alas-kuwarto na sumagot ng oo ang tatay niya.

When I was about to enter College I really wanted to be a flight attendant but my mom said: " accountancy nalang kunin…

Posted by Marga Santiago Suobiron on Saturday, July 4, 2020

“Mainit, maulan, may bagyo o wala,  alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.”

Sa kaniyang mensahe sa ama, nangako si Marga na susuklian niya ang lahat ng kabutihang ipinaramdam ng ama para sa kanilang lahat.

“My father is a farmer and a tricycle driver and he’s my real life superhero. Nothing can change that. To Papa, at sa lahat ng tricycle drivers, saludo kami sa inyo!,” wika ni Marga sa post na umani ng 50,000 reactions online.

Facebook Comments
Please follow and like us:

6 thoughts on “Dentista at Pharmacist na ang anak ng “TRICYCLE DRIVER”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

WATCH! 6-anyos Lalaki, Sinalo Ang Bangis ng Asong Umatake Sa Kapatid

Mon Jul 27 , 2020
Post Shares: 1,049 Lakas loob na hinarang ng isang 6-taon-gulang na lalaki ang asong umatake sa nakababata niyang kapatid na babae sa Wyoming, USA. Ibinahagi ni Nikki Walker sa nag-viral na Instagram post ang ginawang kabayanihan ng pamangkin na si Bridger. Kuwento ni tiyahin, isinangga ni Bridger ang sarili nang […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email