Isang Mahirap Mula Tondo na Naging Pinakamayaman Sa Buong Pilipinas

3

Nagsimula siya magtrabaho sa murang edad bilang katulong ng kanyang ina sa pagtitinda ng pagkaing dagato seafood sa Divisoria. Sa kanyang pag susumikap ay siya narin ang nag paaral sa sarili. Nagtapos siya ng elementarya sa Holy Child Catholic School noong 1962 at ng high school sa Mapua Institute of Technology noong 1966.

Siya ay si Manny Bamba Villar o mas kilala bilang Manny Villar ay isang pulitiko at negosyante na kabilang sa listahan ng mga pinakamayamang Pilipino ng Forts Asia noong Octubre 2007. Si Manny ang ika 9 na anak ni Purita Bamba, isang seafood dealer, at Manuel Villar Sr. na isang empleyado ng gobyerno. Ipinanganak noong Dec. 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Manila.

Pag sinabing bahay, mawawala na naman ang pangalang Manny Villar? Paano kaya nangyari na ang isang taga tondo na walang sariling tirahan noon ay pinaka malaking “Home Builder” na sa South East Asia ngayon. Sabi nya “Kapag minahal mo ang pera,hindi ka yayaman”, ito ang paninindigan ni Manny Villar  sa negosyo maging sa kanyang buhay. Paano nga ba tinahak ni Manny ang tagumpay sa pamamagitan lang ng sipag at tiyaga?

Sipag at tiyaga upang magtagumpay

Anim na taon pa lamang si Manny ay batak na sa trabaho. Ang pagtitinda ng isda at ipon sa Divisoria kasama ang kanyang ina ang pinakagkakatiwalaan nila para matustusan ang pag aaral ni Manny. Sinubukan din niyang magtrabaho sa prestisiyosong Sycip Gorres Velayo & Company o SGV & Co, ngunit umalis din kinalaunan upang ipagpatuloy ang kanyang negosyong seafood delivery. Sa maikling panahon ay nagtrabaho din siya bilang Financial Analyst sa Private Development Corporation of the Philippines, ngunit nag bitiw din siya agad sa tungkulin. Nagsimula ng panibagong negosyo na kaugnay sa “construction”.Sa puhunang 10 libong puhunan ay nakabili ng chasis para sa truck na nag dedeliver ng semento sa mga construction sites sa Las Piñas. Naengganyo daw magnegoso ng pabahay si Manny dahil madali lang daw pala gumawa ng bahay.

Tinarget niya ang “Low Down Houses” at mga kliyente na hindi mayaman. Aniya ang mahihirap ay nangangarap din daw na magkabahay. Sa ngayon nakapagpatayo na daw sila ng 250 thousand na bahay para sa mga middle class na Pilipino at Overseas Filipino Workers. Lumaki man sa kahirapan ay nagawa paring magtagumpay ni Mann Villar. Galing sa isang mahirap na pamilya at komunidad sa Tondo, Maynila at nag pursiging mag aral ng mabuti sa University of the Philippines Diliman kung saan kumuha ng kursong Bussiness Administration, Accountancy at nagtapos din ng Masteral Degree sa kaparehong unibersidad. Si Manny ay working student bilang Seafood Trader noong siya ay nasa kolehiyo. Sa kanyang negosyong construction ay naisip-isip na simulan ang isa pang negosyo ito ang pagbebenta ng bahay at lupa. Simula noon ay tinuring si Villar bilang isang haligi ng Real State sa Pilipinas.

Sumabak sa Politika

Noong 1992 ay sinubukan niya ang swerte sa larangan ng politika, tumakbo siya bilang kongresista ng Las Piñas at Muntinlupa at nanalo. Naatasan naman bilang tagapangulo ng kongreso noong 1998 at ginamit ang kanyang mga kaalaman sa ekonomiya at pamamahala bilang bahagi ng Economic Team ng kongreso. Pagdating ng 2001 ay sinubukan niyang tumakbo para sa posisyon sa Senado at muling nanalo. Sa suporta ng kanyang kapwa Senador ay nakilala siya bilang pinuno ng Senado noong July 2006. Humawak din siya ng ibat-ibang posisyon sa kumite. Bilang pulitiko patuloy ang kanyang pagtataguyod ng kahalagahan ng sipag at tiyaga upang maabo ang pangarap ng mga Pilipino.

Ito ang kanyang mga parangal na natanggap dahil sa kanyang mga nagawa bilang isang matagumpay na negosyante at pulitiko. Tumanggap siya ng ibat-ibang parangal at pagkilala sa ibat-ibang oranisasyon. Siya ay naging pangulo sa Partido Nationalista. Itinampok sa Far Eastern Economic Review dahil sa kanyang tagumpay bilang isang negosyante. Kaugnay nito ay naitampok din ang kanyang talambuhay sa mga sikat na magazine tulad ng Asia Week, Forbes, Asia Money at Asian Bussiness Review. Kabilang din sya sa Philippine ten outstanding young men award noong 1986, Agora award for Outstanding Achievement in Marketing Management noong 1989, Philippine Institute and Certified Public Accountance,Most Outstanding CPA noong 1990, Most Outstanding UP Alumnus,1991 at Honorist Courses sa ibat-ibang kolehiyo.

Mga Pag-mamayari

Isa sa pinakamayaman na tao sa Pilipinas si Manny Bamba Villar as noong 2008 ayon sa Forbes. Si Manny Villar ay nanilbihan sa gobyerno bilang Senador, Senate President at House Speaker. Siya ay nagmamay ari ng maraming mga negosyo at Real State simula pa noon. Siya ang asawa ng butihing may bahay ni Senador Cynthia Villar. Ayon sa Forbes si Manny Villar ang Chairman ng Star Malls na may networth na 4.7 billion dollars, siya ang Chairman ng Vista Land and Lifescapes. Ang kanyang flagship company ay ang CMP Homes na nakalista ngayon sa Philippine Stock Exchange o PSE.

Ang kanilang pamilya rin ang nagmamayari ng Golden Haven Memorial Park at Golden Bria Holdings. Ang Vista Land and Lifescapes Inc. ay pag aari din ng pamilya na kung saan naman ay nakalista bilang Private Property Own ayon sa Philipine Stock Exchange na naglalayon na magbukas pa ng maraming Mall, sila rin ang nagmamay ari ng Vista Mall sa Pilipinas at nagumpisa ng lumalagong coffee shop bussiness na The Coffee Project. Nagtayo din ng isa pang kumpanya ito ang Vita Care Health Group Inc. Sa Tagaytay naman ay makikita ang Power House na bahay, habang meron din siyang properties na matatagpuan naman sa Las Piñas at The Fort.

Swiss ang tema ng Luxury Property nito sa Tagaytay dahil sa dami ng Pine trees na nakapaligid na mula pa raw sa New Zealand, para ka narin daw nasa Bagiuo. Meron itong veranda o Breakfast Nuke na pinakapaboritong parte ng bahay ni Manny. Mas artistic daw ang paintings na makikita rito kumpara sa bahay niya sa Las Pinas at The Fort. Pero halaman at garden ang mas gustong ayusin ni Manny.

As of 2019 si Manny Villar na nangunguna sa pinakamayaman sa buong Pilipinas na may networth na 5.5 billion dollars ayon sa Forbes 2019 list. Si Manny Bamba Villar ay isa sa maraming hinahangaang personalidad dahil sa kanyang pinakitang determinasyon, sipag at tiyaga. At kung ikaw ay mangangarap at sasamahan mo ng pagsisikap ay hindi imposible na makamit mo ang tagumpay sa buhay. Si Manny Villar ay isang mabuting halimbawa sa lahat na hindi purkit kapos ka ngayon ay magiging kapos kana habang buhay, kailangan lang ng determinasyon, sipag at tiyaga, at siyempre wag nating kalilimutan manalangin.

Facebook Comments
Please follow and like us:

3 thoughts on “Isang Mahirap Mula Tondo na Naging Pinakamayaman Sa Buong Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

Mga Naiwang Legacy Ng NBA Legend Kobe Bryant Sa Larangan Ng Basketball

Sat Jun 20 , 2020
Post Shares: 2,850 Si Kobe Bryant ay pinanganak sa Philadelphia Pennsylvania at siya ang bunso at kaisaisang anak na lalaki ni Dominic Calla at Joe “Jellybean” Bryant meron ding 2 babaeng anak na sina Shaya at Sharia. Pinangalanan siya ng kaniyang mga magulang mula sa sikat na na corned beef ng Kobe […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email