Kilalanin Ang Top 10 Universities Sa Pilipinas 2020

3

Ang Pilipinas ay hindi lamang tanyag sa pagkakaroon ng magagandang tanawin at pinakapinupuntahang lugar ng mga turista. Kilala din ito bilang isa sa may pinakamahusay na sistema ng mataas na edukasyon.  Sa halos dalawag libo’t tatlong daang (2, 300) unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas, sampu (10) ang nangunguna bilang pinakamagaling at pinakapopular na institusyon sa bansa. Ito ay.batay sa mga paaralan na kinikilala ng CHED na may kagawaran ng “Center of Excellence” at “Center of Development” na nagpamalas ng mahusay na pagtuturo, pananaliksik, publikasyon at iba pa.

1. UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES – DILIMAN

University of the Philippines, Diliman, Quezon City Photo by Darren Langit/Rappler

Itinatag bilang “flagship campus” ng University of the Philippines School System noong 1949, ang UP Diliman ay kasulukuyang isa sa 500 nangungunang unibersidad na itinalaga ng World University Rankings. Nakatanggap din ito ng pinakamaraming bilang ng mga kagawaran ng “Center of Excellence”, patunay sa malawak na hanay ng mga kurso na may mataas na kalibre ng edukasyon.

2. ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

Pumapangalawa ang Ateneo De Manila University na itinatag noong 1859 ng mga heswita at pangatlo sa pinakalumang unibersidad sa Pilipinas. Tanyag ito bilang isa sa mga nangungunang paaralan ng mga undergraduate and graduate programs sa sining, agham, edukasyon, pamamahala, batas, at gobyerno.

3. DE LA SALLE UNIVERSITY

Pangatlo naman ay isang pribadong katolikong unibersidad na itinatag ng De La Salle Brothers noong 1911. Ang DLSU ay isa sa dalawang institusyon na ginawaran ng Level IV Accreditation ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, & Universities (PAASCU). Kabilang din ito sa 2019 Quacquarelli Symonds Asian University Rankings.

4. UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Pang apat naman ay ang pinakalumang unibersidad sa Asya na itinatag noong 1611 ni Miguel de Benavides, Arsobispo ng Maynila. Bukod sa pagkakaroon ng maraming kagawaran ng “Center of Excellence” at “Center of Development”, pinarangalan din ang UST ng “Institutional Accreditation” sa pamamagitan ng “Federation of Accrediting Agencies” sa Pilipinas. Noong 2013, kinilala ang UST ng PACUCOA sa pagkakaroon ng pinakamataas na bilang ng mga accredited programs sa bansa.

5. UNIVERSITY OF SAN CARLOS

Ang “pride of Cebu”, University of San Carlos ay isang pribadong Katolikong unibersidad na itinatag ng mga misyonerong Heswita noong 1935. Ito ay nangungunang paaralan sa Pilipinas pati na rin sa Asya at tanyag sa pagkakaroon ng pinakamaraming bilang ng “Center of Excellence at Center of Development” na iginawad nga CHED.

6.  MAPUA UNIVERSITY

Dating kilala bilang Mapua Institute of Technology, ang Mapua University ay itinatag noong 1925 ni Tomas Mapua, ang unang pilipinong arkitekto ng bansa. Ito ay kilala sa mga programang Engineering at I.T na ginawaran ng “Center of Excellence”. Ito rin ang kauna-unahang institusyong pang-edukasyon sa Pilipinas at Timog Silangang Asya na nagkaroon ng ABET certification (Accreditation Board for Engineering and Technology Inc.).

7. SILLIMAN UNIVERSITY

Itinatag noong 1901 ang pribadong unibersidad na ito at kinilala bilang kauna- unahang paaralan ng mga Amerikano sa Pilipinas at buong Asya. Ang Silliman University ay isa lamang sa limang unibersidad sa Pilipinas na may “Institutional Accreditation” ng “Federation of Accrediting Agencies of the Philippines (FAAP)” at may pinakamataas na bilang ng mga accredited programs sa bansa.

8. MINDANAO STATE UNIVERSITY – ILIGAN INSTITUTE OF TECHNOLOGY

Pangwalo naman ay ang MSU- IIT na itinatag noong 1968 at ang kauna- unahang autonomous unit ng MSU System. Mayroon itong maraming mga pagkilala sa “Center of Excellence” mula sa CHED at may ilang mga programa na natanggap mula sa “Accrediting Agency of Chartered Colleges & Universities of the Philippines (AACCUP)”.

9. XAVIER UNIVERSITY

Ipinangalan bilang parangal sa misyonerong Heswita na si St Francis Xavier, ang XU ay isang pribadong Katolikong unibersidad na pinamamahalaan ng Society of Jesus sa Cagayan De Oro. Itinatag ito noong 1933 at naging unang institusyon sa Mindanao na nabigyan ng “University Status” noong 1958.

10. SAINT LOUIS UNIVERSITY

At ang kukumpleto sa sampung pinakamagagaling na institusyon sa Pilipinas ay ang Saint Louis University ng Baguio City. Ang St. Louis University ay itinatag ni Rev. Fr. Seraphin Devesse noong 1911 upang magbigay edukasyon para sa 10 na batang lalaki. Noong 1963, nabigyan ito ng “University Status” sa ilalim ng gobyerno ni Diosdado Macapagal, na naging unang unibersidad sa hilagang Maynila. Nakatanggap ito ng maraming mga rating ng Centers of Excellence mula sa CHED at accreditation mula sa PAASCU.

Source: QS World University Rankings and UniRank

Facebook Comments
Please follow and like us:

3 thoughts on “Kilalanin Ang Top 10 Universities Sa Pilipinas 2020

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

Viral Ngayon Ang Ginawang PS4 Unboxing Ni Matteo Guidicelli

Tue Jun 23 , 2020
Post Shares: 369 Ang Kapamilya aktor na si Matteo Guidicelli ay nakatanggap ng maraming negatibong kritisismo mula sa mga netizen dahil sa kanyang first-ever unboxing video. Sa nagdaang YouTube vlog, ibinahagi ng aktor na nakakakuha siya ng Playstation noong bata pa siya ngunit hindi na mabibili muli ang isa para […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email