Lolang natutulog sa ilalim ng footbridge, ninakawan ng gamit!

4

Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki sa matandang street dweller na natutulog sa ilalim ng footbridge sa Barangay 138, Caloocan City.

Sa video, makikita ang suspek na kinilalang si Martin Caliope na umaaligid sa puwesto ng biktimang si Milagros Bautista, 68 taong gulang, pasado alas-4 ng umaga noong Martes.

Maya-maya pa, nilapitan niya ang senior citizen at dahan-dahang hiniwa ang bag hanggang sa makuha ang wallet ng biktima. Dali-daling umalis sa lugar ang salarin nang biglang makaramdam at magising si Bautista.

Tila hindi pa nakuntento si Caliope sa ginawang krimen dahil kinabukasan ay binalikan niya ang lola upang tangayin ang natitirang gamit nito.

Saktong nakaduty naman ang kawaning si Noah Cayat at napansin sa CCTV ang insidente dahilan para agad silang makaresponde sa lugar at tuluyang madampot si Caliope.

Paliwanag naman ng salarin, wala raw siyang hanapbuhay ngayon dulot ng lockdown kaya naisipan niyang magnakaw.

Nai-turnover na ng barangay ang suspek sa pulisya.

Facebook Comments
Please follow and like us:

4 thoughts on “Lolang natutulog sa ilalim ng footbridge, ninakawan ng gamit!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

PANOORIN : OFW HINIPUAN HINALIKAN NG KANYANG AMO HABANG NAGLILINIS ITO

Fri Jul 24 , 2020
Post Shares: 430 Ang mga Pilipino, hindi maiiwasan ang magsakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Bawat taon, marami ang mga Pilipino ang napipilitan na magtrabaho sa ibang mga bansa. Dahil sa mababang sahod sa pinas at kung minsan, hindi pa ito sapat para maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya, marami […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email