LOOK : 8-anyos, nawalan ng buhay matapos umanong gahasain ng 16 kalalakihan

7

CHENNAI, India – Binawian ng buhay ang isang 8-anyos na babae na kumpirmadong ginahasa ng 16 kalalakihan na pawang mga kaanak nito.

Ayon sa local reports, Pebrero 13, Huwebes nang isugod sa ospital ang bata nang bigla itong mawalan ng malay habang nasa loob ng banyo.

Sa kwento ng mga magulang ng biktima, una na itong nagreklamo nang pananakit ng tiyan bago mangyari ang trahedya.

Pagdating sa ospital ay idineklarang wala ng buhay ang bata.

Kasalukuyan namang hinihintay ng pulisya ang resulta ng awtopsiya ng bangkay para malaman kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Ngunit lumalabas na ‘unnatural death’ ang naging pagkamatay ng bata sa ilalim ng Indian Penal Code.

Kaugnay nito, 16 kalalakihan ang naiulat na inaresto matapos magreklamo nakaraang taon ang ina ng biktima tungkol sa pang-aabuso sa kanyang paslit ng mismong mga kaanak nito sa loob ng tatlong taon.

Naisumbong din na maging ang 10-anyos na kapatid ng biktima ay hinalay din.

Napansin daw ng mga magulang ng bata ang kakaibang pagbabago sa inaasal nito.

Naging nerbyosa at matatakutin daw ang bata at madalas na raw nahihirapan sa pagtulog.

Samantala, 2018 nang maipasa sa India ang batas ukol sa pagpataw ng death penalty sa sinumang mapapatunayang nanggahasa ng bata edad 12 pababa.

Facebook Comments
Please follow and like us:

7 thoughts on “LOOK : 8-anyos, nawalan ng buhay matapos umanong gahasain ng 16 kalalakihan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

WATCH :MENOR DE EDAD LUMABAG SA CURFEW, PINAGSASAMPAL NI KAPITAN NG TSINELAS!

Fri Jul 31 , 2020
Post Shares: 3,181 Nahaharap sa reklamo ang isang kapitan matapos umanong pagsasampalin ng tsinelas ang dalawang menor de edad na lumabag sa curfew. Maraming netizens ang nagulat at nagalit sa ginawang “pananakit” ni Abner Dionglay, kapitan ng Barangay San Crispin. Sa larawang ibinahagi ng netizen na si Kishi Villaverde, makikita […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email