LOOK : Doctor at health care workers nakiusap ibalik ang ” ECQ” kahit 2 linggo lang!

5

Upang mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga ang mga medical frontliner, nanawagan si Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin, Biyernes (Hulyo 31), na ibalik sa enhanced community quarantine ang National Capital Region sa loob ng dalawang linggo.

Over 10,000 health workers could lose jobs due to DOH budget cut ...

“Ang gusto natin ay magkaroon muna tayo ng breather kasi kung mapapqnsin ninyo, magmula nang nag-relax tayo ng community quarantine from ECQ to modified, doon nag-umpisa na umakyat ang dami ng nagkakaroon ng COVID-19,” sabi ni Limpin sa isang panayam.

Saad pa ng doktor, naiintindihan niya na gumagawa ng paraan ang gobyerno upang matugunan ang pinansiyal na pangangailangan ng bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng ekonomiya. Ngunit aniya, oras na para tuldukan ang pagkalat ng virus.

“Nakakapagod na. It’s time to really put a stop doon sa pag-spread ng infection. I know ang gobyerno natin nag-iisip kung papaano ang economy pero ano ang gagawin natin sa economy kung unti-unti namang nagkakasakit at namamatay ang mga Pilipino?” sabi ni Limpin.

Salamat Dok: Dr. Maricar Limpin answers questions about air ...

Hanggang Agosto 15 ay isasailalim sa general community quarantine ang buong Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Minglanilla at ang bayan ng Consolacion sa probinsiya ng Cebu at Zamboanga City habang nasa modified GCQ naman ang iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments
Please follow and like us:

5 thoughts on “LOOK : Doctor at health care workers nakiusap ibalik ang ” ECQ” kahit 2 linggo lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

LOOK : Greco Belgica Death penalty para sa mga Corrupt officials

Sun Aug 2 , 2020
Post Shares: 1,015 MANILA – Sinabi ng isang komisyonado ng anti-katiwalian noong Sabado na kailangang ipataw ang kaparusahan para sa mga tiwaling opisyal, ilang araw matapos na tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik ang parusang kamatayan para sa mga drug convict.Naglaban si Duterte para sa muling pagbuhay ng […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email