Mga Naiwang Legacy Ng NBA Legend Kobe Bryant Sa Larangan Ng Basketball

Si Kobe Bryant ay pinanganak sa Philadelphia Pennsylvania at siya ang bunso at kaisaisang anak na lalaki ni Dominic Calla at Joe “Jellybean” Bryant meron ding 2 babaeng anak na sina Shaya at Sharia. Pinangalanan siya ng kaniyang mga magulang mula sa sikat na na corned beef ng Kobe Japan na nakita nila mula sa isanag restaurant menu.

Noong anim na taon si Bryant, umalis at lumipat sila ng kanilang buong pamilya sa Italy at doon ito naglaro ng professional basketball. Nasanay si Bryant sa pamumuhay sa Italy at naging makatas sa wika doon. Sa kaniyang murang edad natuto siyang maglaro maglaro ng soccer at ang kaniyang paboritong kupunan noon ay EC Mens at FC Barcelona.

Ayon sa kaniya kung nanatili siya Italy marahil ay sinubukan niya maging isang professional soccer player. Bago siya napili bilang ika 13 sa pangkalahatang ng 1996 NBA draft ng Charlotte Hornets. Nakuha ng 17 years old na si Bryant ang atensyon ng dating manager ng Lakers na si Jerry West na agad nakita ang potensiyal sa kakayahan ni Bryant sa mga free draft workouts, aniya, ang mga workouts ni Bryant ay isa sa pinakamaganda niyang nakita.

Matapus ang draft agad pinahayag ni Bryant na hinding-hindi niya nais maglaro para sa Hornets at gusto niyang lumipat sa Lakers. Makalipas ang 15 araw inalok ng Trade ng Los Angeles Lakers na si Vlade Divac para kay Kobe Bryant noong una niyang season sa NBA. Hindi agad si Bryant ang pangunahing guard at madalas lamang siya sumunod kay Eddie Jones at Nick Van Exel. Noong nag simula ang kaniyang paglalaro, limitado lamang sa ilang minute pero sa kalaunan ay tumagal din ang kaniyang oras ng paglalaro.

Lalo siyang nakilala noong nanalo siya 1997 Slam Dunk Contest. Sa kaniyang ikalawang season noong 1997 hangang 1998, lalong tumagal ang oras ng paglalaro ni Bryant at sinimulan niya nang ipakita ang kaniyang   abilidad bilang isang talentadong guard. Siya at runner-up para sa NBA 6 months of the year award at dahil sa boto ng kaniyang mga tagahanga siya ang pinakabatang naging NBA All Star.

Bagamat ang kaniyang statistic ay kahanga-hanga para sa kaniyang edad. Kulang pa din ang kaniyang karanasan upang makatulong sa kaniyang kuponan para sa makalaro sa kampyonato. Noong 1998 to 1999 season ang mga guard na sina nick Van Exel at Eric Jones ay natrain dahil sa kagustuhan ni Shaquille. Ganon paman, natapus ang season na yun para sa Lakers na sila ay maswift ng San Antonio Spurs sa Western Conference Semi Finals.

Nagbago ang kapalaran ni Bryant na maging   head Coach ng Los Angeles Lakers si Fil Jackson noong 1999 natapus ang ilang taon na tuloy tuloy na pagdevelop ng kaniyang galling. Kinilala si Bryant bilang isa sa pinakamagaling na shooting guard ng liga na pinatunayan ng kaniyang taunang paglahok sa All In NBA Allstar at All Defensive teams.

Sa ilalim ni Bryant at O’Neal, ang Lakers ay naging isa sa paboritong kupunan para sa kampyonato dahil sa kanilang natatanging center guard combination. Ginamit ni Jackson ang kaniyang triangle offense na siya ring tumulong para matalo ang Chicago Bulls para sa kanilang ika-6 na kampyonato. Ang triangle offense din ay naging malaking tulong upang mapabilang sila Bryant at O’Neal sa mga pinakamagaling na klaseng manlalaro sa NBA.

Ang kanilang tagumpay ay nagbunga ng tatlong magkakasunod na kampyonato para sa Lakers, noong taong 2000, 2001 at 2002. Noong 2002 to  2003 NBA season, si Bryant ay may average na 30 points per game at may score na 40 o higit pa sa siyam na sunod sunod na laro na nag aaverage ng 40.6 para sa buong buwan ng Pebrero. Siya din ay my average na 6.9 rebounds, 5.9 assist at 2.2 steals per game at ang lahat ng ito ay career high para sa kaniya.

Noong panahong iyon, sa kaunaunahang pagkakataon ay ibinoto si Bryant  para makapasok sa All NBA at All Defensive 1st team matapos tapusin ang regular season ng 50-32. Ngunit, nag simulang magkalat noong 2003 Playoffs at sa kalaunan ay natalo sila ng San Antonio Spurs sa Western Conference Semifinals matapos ang anim na laban.

Noong sumunod na 2003-2004 NBA season nakuha ng lakers ang mga NBA All Stars na sila Carl Malone at Gary Payton upang muling tumulak para sa kampiyonato. Ang kanilang starting lineup ay binubuo ng apat na manlalaro na siguradong siguradong makakapasok sa hall of fame na sina Shaquille O’Neal, Malone, Payton at Bryant.

Ang Lakers ay umabot sa 2004 NBA finals at nakaharap nila ang Piston. Sa ibang laban bago sila matalo, si Bryant ay may average ng 22.6 points field goal percentage na 35.1% at 4.4 assist kada laro. Madaming naging pagbabago sa karera ni Bryant noong 2005-2006 NBA season bagamat meron silang hindi pagkakaintindihan ng dating coach na Phil Jackson.

Pulidong nagbalik bilang head coach ng Lakers na sinang ayunan ni Bryant   ang animo’y naging desisyon ni Jackson at animoy nagkasundo naman ang dalawa sa pagkakataon ng silay uling magkatrabaho muli at nakabalik sa playoffs ang Lakers.

Noong 2006, nakipagayos din si Bryant sa dati niyang kakampi na si Shaquille. Sila ay nakaroon ng record na 45/37 na mas mataas ng 11 na laro  kumpara sa naging resulta nila sa nakaraang season. Na injured din si Bryant sa off season na naging dahilan kung bakit hindi siya nakalahok sa torneyo noong 2006 sa Viva World Champoinship.

Si Bryant ay isang shooting guard at paminsan minsan ay ng lalaro din bilang small forward. Maraming nagsasabi na siya ay isang pinaka kumpletong manlalaro sa NBA. Siya ay malaking bahagi sa tatlong pinakahuling kampyonato ng Lakers, malakas kasi itong kumuha ng puntos. Kilala siya sa kaniyang abilidad na humanap ng libreng tira at napaka talentado nito pagdating sa outside shooting at isa siya sa mga manlalaro na may hawak ng fair good para sa may pinakamaraming naipasok na 3 points  shoot.

Nakunan si Vanessa Bryant dahil sa ectopic pregnancy noong tagsibol noong  2005. Noong taglagas ng 2005 ay inihayag ng mga Bryant na inaasahan na nila ang kanilang pangalawang anak na babae na si Gianna Maria Onore Bryant na pinanganak noong May 1, 2006.

Dako ng alas 9 ng umaga sakay ng SIKORSKY S-76 na hellicopter noong January 26, 2020, kasama ang 13 taong gulang na anak na  si Viana Bryant at ang Orange Coach College  na si John Altobelli, kasama rin ang kaniyang asawa at anak, ang assitant basketball coach ng Harbor Day School, Corona Del Mar at tatlong iba pa ay umalis mula sa John Wayne Airport sa California na isang hellicopter na pagaari ni Bryant.

Dahil sa madalas na pagulan at medyo malabo na panahon noong umaga na iyon, lumipad ang hellicopter na sinasakyan nila Bryant makikita sa flight trackers na nakaranas ng mga issue ang hellicopter habang sa taas ng LA zone. Ang hellicopter ay umikot ikot sa lugar ng anim na beses sa bahagi ng itaas na may sukat na 850 ft.noong 9:30 am nakipagugnayan ang piloto sa Bor Bark Airport Control Tower upang ipabatid sa tower ang sitwasyon.

Nakaranas ang hellicopter ng matinding hamog at lumiko ito sa bahaging timog patungo sa bundok noong 9:40 am. Ang hellicopter ay umakyat sa taas mula 1,200 hangang 2,000 feet na lumilipad sa 961 knots noong 9:45 am. Ang hellicopter ay bumagsak sa gilid ng isang bundok sa Calavasas Texas mga 30 milya at 48 km hilagang kanluran ng Bayan ng Los Angeles at ito ay nasunog ng 9:47 am.

Tinawag ng mga authoridad ang mga Bombero ng Los Angeles ay agad agad na nagtungo sa lugar ng pagcrash. Ang apoy ay napuksa ng 10:30 am. Mula sa siyam na pasahero na nakasakay sa hellicopter ay walang nakaligtas. Ang Federal Aviation Admin National Transportation Safety Board, FBI at dalawang punong regulator ng Federal na pamahalaan ay naglunsad ng mga pagsisiyasat sa pagcrash. Aminado naman ang mga authoridad ng Amerika na matatagalan sila sa imbestigasyon dahil sa lugar kung saan bumagsak ang hellicopter ni Bryant.

Nakakalungkot at nakakapanghinayang ang nangyari kay Bryant hindi talaga natin masabi ang buhay ng tao. Hindi natin masasabi ang aksidente kung kailan dadating kaya’t kailangan talaga sa lahat ng  gagawin natin o pupuntahan natin eh wag na wag nating kakalimutang manalangin. Muli nakikiramay ako sa mga pamilya, kaibigan, at fans na naulila sa buhay ni Kobe Bryant.

Nagustuhan mo ba ang kwentong ito, iclick lang ang LIKE button at ISHARE ang article na ito, magiwan lamang ng komento para sa iyong saloobin.

Facebook Comments
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

Pinakamabilis Na Motorsiklo Sa Buong Mundo Na Hindi Mo Pa Nakikita

Sun Jun 21 , 2020
Post Shares: 180 Ang paggamit ng motorsiklo ay naging papular dito sa ating bansa lahat dahil sa traffic na taglay ng mga kalsadahan. Pagnakamotor ka, napakadali nitong isingit sa mga nagsisisksikang sasakyan at mas mapapabilis ang biyahe mo kahit traffic kaysa sa mga naka 4 wheels na sasakyan. Pero alam […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email