PANOORIN: NAKAKUHA NG “P629,000” PESOS ANG BAGONG MAG-ASAWA MULA SA PROSPERITY DANCE

2

Viral ngayon sa social media ang bagong mag-asawang ito matapos silang makatanggap ng P629,000 sa kanilang prosperity dance. Maraming netizen ang nagulat sa laki ng halagang inabot na mula sa mga kamag-anak, bisita, at sponsors ng bagong kasal na ito.

Napa-SANA ALL na lang ang ilang mga netizen sa laki ng perang nalikom ng mag-asawa dahil sa pagsasayaw lamang nila sa kanilang kasal.
Ang mga kuha ng photographer na si Ernie Piamonte Balili sa isang kasalan sa Davao ay umani ng maraming comment at reaksyon mula sa mga netizens. Pati ang photographer na ito ay nanghanga sa dami ng perang nakuha ng mag-asawa.

Bawing-bawi di umano ang nagastos sa kasal ng mag-asawang ito ayon sa mga netizens. Sabi rin ng iba ay baka daw mas malaki pa ang perang nakuha nila kaysa sa perang nagastos nila sa kasalan.

Sa mga litrato ng bride at groom, makikita ang mga perang nakasabit at nakakabit sakanilang mga damit at karamihan sa mga pera na ito ay tig iisang libo at limang daan.

Hindi maiwasang mainggit ng ilang mga netizen sa mag-aswang ito at ayon pa sa kanila, kung ganito lamang daw ang dami ng perang makukuha nila sa kanilang kasal ay magpapakasal na lamang daw ang ilan sa kanila.
Ma-swerte daw ang bride at groom sa kanilang mga bisita, kamag-anak, at mga sponsor dahil napaka ganlante daw ng mga ito para magbigay ng ganun kalaking pera.

Ang prosperity dance ay isang parte ng kasalan at matagal na daw itong tradisyon sa pamilya ng bride at groom. Paniniwala daw kasi ng pamilya ng mga kinasal ay dapat daw ay maginhawa ang pagsisimula ng kanilang bagong chapter ng kanilang buhay. Nasa mag-asawa na daw kung paano nila palalakihin at palalaguin ang mga perang natanggap nila.

Ang ‘prosperity dance’ ay isang tradisyon ng mga Pilipino para sa mga bagong kasal. Pinapasayaw ang bagong kasal habang sinasabitan ang mga ito ng pera ng kanilang mga ninong at ninang sa kasal, mga bisita, at kamag-anak.
Ito ay simbolo ng kaginhawaan umano ng bagong kasal sa pagsisimula nito ng bagong buhay o ang buhay mag-asawa.

Facebook Comments
Please follow and like us:

2 thoughts on “PANOORIN: NAKAKUHA NG “P629,000” PESOS ANG BAGONG MAG-ASAWA MULA SA PROSPERITY DANCE

  1. syempre marami makukuha nila…nakaka angat sa sila sa buhay eh, ntural nakaka angat din sa buhay mga bisita at mga sponsors nila…
    kung mahirap lang, baka nga di na makapagpakasal nang ganyan … weder weder lang yan hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

WATCH! LALAMOVE RIDERS, NAIYAK DAHIL NAWALAN NG P4K SA FAKE BOOKING

Sun Jul 26 , 2020
Post Shares: 5,073 A lot of netizens are also making the delivery companies to take certain steps concerning those conflicts. Delivery firms also reassured the public that clients who will be found associated with fake bookings and order cancellations would be corrected. The Facebook page “Philippine trends and news” has […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email