WATCH : DAHIL LANG SA DALAWANG LUNCHEON MEAT, IKINULONG ANG PEDICAB DRIVER NA ITO

3

Isang shoplifter ang nahuli sa akto habang pumupuslit umano ito ng dalawang lata ng luncheon meat sa isang grocery sa Paco, Maynila, Biyernes ng tanghali.


Maraming Pilipino ngayon ang dumadanas ng krisis dahil sa pandemya. Marami ang hirap na hirap kumita ng pera at hirap na makahanap ng maipapakain sa kanilang pamilya.

Isa na dito ang transportation sector tulad ng mga kababayan nating mga namamasada gaya ng mga tsuper ng jeep, bus, tricycle driver at maging ang maliliit na paedicab driver na naka-asa lamang sa pang-araw-araw na kita.
Dahil dito, ang ilan sa kanila ang umaasa na lang sa ayuda at sa ibang mapagbigay na tao na nagkukusang loob mag-abot ng kaunting tulong. Ang iba naman ay napilitan na lamang mamalimos sa mga daan.

Mayroon din namang napipilitan na lamang gumawa ng mga maling bagay dahil wala na talaga silang mapagkunan at gipit na gipit na. Gaya na lamang ng pedicab driver na ito na nahuling pumupuslit ng pagkain.
Ayon sa report, isang 53-years old pedicab driver ang suspek at taga Balagatas, Bulacan. Nahuli ng mga security guard sa Super 8 Retail Systems Inc. ang suspek na may pinuslit umano na dalawang lata ng imported luncheon meat na Spam at nagkakahalaga ito ng P381.

Sabi ng mga pulis, ang pedicab driver daw ay isa ring miyembro ng sindikato, na dinala ng mga security officers na nakahuli dito at kasalukuyang nakakulong sa Paco Police Community Precinct, Manila Police District (MPD).

Bago ihatid ang suspek sa Ermita Police Station, sumailalim muna ito sa isang medical check-up.
Nahaharap ngayon ang pedicab driver na ito sa kasong kriminal dahil sa pagsho-shoplift. Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng mga awtoridad ang kasong isasampa sa suspek na ihahain sa Manila City’s Prosecutor Office.

Dagdag ng pulisya, narekober ang luncheon meat mula sa suspek.

Facebook Comments
Please follow and like us:

3 thoughts on “WATCH : DAHIL LANG SA DALAWANG LUNCHEON MEAT, IKINULONG ANG PEDICAB DRIVER NA ITO

  1. Jusme naman. Para lang naman sa Luncheon meat. Sana man lang inareglo nalang. Hindi n dumaan sa ganyang bagay.Walang Kwenta

  2. grabe … luncheon meat lang eh… inakusahan pang myembro nang sindikato ?!?
    sana naman sinamahan nyo nyo na rin nang bigas at baka gutom na pamilya nyan….
    sabagay, libre pagkain sa kulungan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

WATCH : VIRAL NGAYON PULIS SINABUNUTAN ANG ISANG MOTORISTA SA CHECK POINT!

Tue Jul 28 , 2020
Post Shares: 4,166 The video footage of the police who hit and picked the hair of a motorist who did not stop at checkpoint went viral online and earned numerous comments online.Over the past few months, because of the pandemic, the police authorities are rigidly implementing quarantine checkpoints to control […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email