WATCH : “INABANDONA” ANG MATANDANG MAG-ASAWA, KANILANG MGA ANAK SA SIRANG TENT!

5

Kahit kailan, walang magulang ang kayang tiisin ang kanilang anak. Para sa ating mga magulang, tayong mga anak ang pinaka magandang biyaya na ibinigay sa kanila. Ngunit minsan may mga anak pa rin na kayang tiisin ang kanilang mga magulang.

Ang iba ay inaabandona na ang kanilang mga magulang, kadalasan ay kapag matatanda na ang mga ito.


Gaya na lamang ng mag-asawang ito, na kung saan ay mapapansin natin na sila’y nasa isang mahirap na sitwasyon. Ang matandang magasawa ay nakatira na lamang sila sa isang sirang tent.

Napagalaman na ang dalawang matanda na ito ay nakatira sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.

Makikita natin na ang mag-asawa ay may payat na pangangatawan at hindi na rin maayos kanilang tinutuluyan sa kadahilanang sira sirang tent na lamang sila natutulog.

Sa isang video na inupload sa Youtube ni Radio Anchor Archi Hilario, sinubukan nito puntahan at alamin ang kaawa awang sitwasyon ng mag asawa na umanoy inabandona ng kanilang sariling mga anak.

Isang netizen ang nagupload ng video ng mag-asawang matanda sakanyang Youtube channel na Radio Anchor Archi Hilario. Sa video, nagtungo siya sa tinutuluyan ng dalawang matanda. Nakita niya ang kaawa-awang sitwasyon ng dalawa at nalaman din niya na inabandona sila ng kanilang mga anak.

Makikita rin sa video kanilang tinutuluyang tent na tagpi tagpi na.

Ayon kay Lola, ang ilan sa kanilang mga anak ay nasa Maynila nguti hindi na sila dinadalaw o kinakamusta ng mga ito.

“Yung dalawa nasa Maynila, wala ring kumunikasyon sa amin kung saan sila natira” ayon kay lola.

Sinabi din ng matandang babae na masaya na daw sila kahit sa isang sulat lamang ay makatanggap sila mula sa kanilang mga anak na nasa maynila.

Dagdag pa nito, hindi daw sila nagtanim ng sama ng loob sa kanilang mga anak. Ang gusto lamang daw nila ay malaman kung ano ang kalagayan ng mga ito at ano na ang mga balita sa kanila.

“Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila.. bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan. kahit sulat lang. kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami.” ayon kay lola.

“Hindi nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila.” dagdag pa ni lola.

Meron pa daw silang isang anak na namamasukan sa kalapit na baranggay ngunit may sariling pamilya na ito at wala naman daw itong maiabot na pera.

Dahil sa naawa si Hilario sa matanda, inalok nya ang mag-asawang matanda na magpapatayo ito ng bahay para sa kanila. Ngunit sa kasamaang palad, hindi daw pwede dahil hindi sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tent

Facebook Comments
Please follow and like us:

5 thoughts on “WATCH : “INABANDONA” ANG MATANDANG MAG-ASAWA, KANILANG MGA ANAK SA SIRANG TENT!

  1. ANO BA YAN. JUSME. ANSASAMA NAMAN .HINDI BA SILA NAAWA SA KALAGAYAN NG MAGULANG NYA. KAWAWA NAMAN SI TATAY AT NANAY. MYGAHD. TULUNGAN NYO PO PLEASEEE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

LOOK : China Ipaprayoridad Ang Pilipinas Kapag May Bakuna na sa C0vid-19

Wed Jul 29 , 2020
Post Shares: 6,601 Tiniyak ng China na ipaprayoridad ang Pilipinas sakaling magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19. Ito ang pahayag ng China matapos umapela si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping na mabigyang prayoridad ang Pilipinas sa dine-develop nilang bakuna. Sa Twitter post, sinabi ni Chinese Foreign […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email