WATCH :MENOR DE EDAD LUMABAG SA CURFEW, PINAGSASAMPAL NI KAPITAN NG TSINELAS!

3

Nahaharap sa reklamo ang isang kapitan matapos umanong pagsasampalin ng tsinelas ang dalawang menor de edad na lumabag sa curfew.

Maraming netizens ang nagulat at nagalit sa ginawang “pananakit” ni Abner Dionglay, kapitan ng Barangay San Crispin.

Sa larawang ibinahagi ng netizen na si Kishi Villaverde, makikita sa mga larawan ang mga latay sa mukha at leeg ng mga biktima na dahilan umano ng matinding pagdidisplina ng chairman.

Ayon sakanya, pinarusahan ni Dionglay ang dalawang binatilyo nang madatnan nasa labas pa sila ng bahay pasado alas-7 ng gabi habang walang suot na face mask.

Maliban sa pananakit, binantaan din umano ang buhay ng mga menor de edad, na pawang 15 taong gulang

Nalaman din sa mga report na isa sa mga ina ng biktima, na lasing sa alak ang kapitan nang gawin ang pananampal at pambabanta.

Kaugnay nito, ipapa-subpoena ni DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño ang kapitan at iba pang sangkot sa insidente para sagutin ang isinampang reklamo ng mga na-agrabyadong pamilya.

Tumanggi naman magbigay ng reaksyon si Dionglay at sinabing tutugon na lamang siya kapag natanggap na ang demanda laban sa kaniya. 

Facebook Comments
Please follow and like us:

3 thoughts on “WATCH :MENOR DE EDAD LUMABAG SA CURFEW, PINAGSASAMPAL NI KAPITAN NG TSINELAS!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

LOOK : PINAY PINABAYAAN NA LANG NG KANYANG AMO MATAPOS MAGPOSITIBO SA C0VD19

Fri Jul 31 , 2020
Post Shares: 166 Sobrang daming OFW na ang narecord na tinamaan ng C0VID 19. Sa kasamaang palad, ilan sakanila ay namatay na at ilibing na agad. Mahirap ito para sakanilang pamilya dahil malayo ito sa kanila. Ang iba naman, nakakauwi pa ng Pilipinas ngunit sila’y kinukutya o pinandidirihan ng kanilang […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email