WATCH : TATAY NA NAKATAPOS NG GRADE 6, PINAHIYA NG “LTO” DAHIL SA SIMPLENG PAGKAKAMALI!

7

Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen kung saan binahagi niya ang naging trato ng mga taga-LTO sakanyang ama. Nang dahil lamang sa hindi ito marunong magsulat, sinigaw-sigawan daw ang kanyang ama at binastos sa harap ng mga tao.

Maraming netizen ang agad na nagreact sa post na ito at karamihan sa kanila ay nagalit dahil sa nangyari.
Isang babae ang nagpost at nakaramdam siya ng galit matapos bastusin ng mga taga-LTO Office sa Olongapo ang kanyang tatay na kumukuha ng lisensya.

Ang netizen na ito ay si Jona Alarcon, ibinahagi niya ang pamamahiyang ginawa ng mga taga-LTO sakanyang ama dahil lamang sa simpleng pagkakamali nito.
Ayon kay Alarcon, maliit lamang daw na pagkakamali sa form para sa pagkuha ng lisensya na sinusulatan ng kanyang tatay ay pinahiya na agad siya ng mga taga-LTO.

Base sa Facebook post ng anak ng kaawa-awang lalaki, nang-insulto pa ang LTO staff matapos nyang malaman na Grade 6 lang ang tinapos nito kung saan napasabi pa sya nang “sus ano ba yan wala naman pala tinapos kukuha ka pa ng lisensiya.”

Narito ang buong post:
Dear Government Employees (LTO),
I understand you guys are tired and you have a lot on your plate pero wala kayong karapatan ibuhos yang stress at galit nyo sa mga taong walang kasalanan sa inyo. Halos maiyak ako nung pinapahiya ng lalaking to ang papa ko sa harap ng madaming tao. Unacceptable! Yung papa ko hindi na makasagot sa sobrang pahiya sa kanya.
Non verbatim convo. (Nagkamali papa ko, imbis na isulat niya pangalan niya sa box pumirma siya kaya nagalit ung lalaki)
Him: ano ba yang sinulat mo bira ka kasi ng bira!
Papa: ay pasensiya na.
Him: sabi ko isulat mo pangalan mo! Di mo ba kayang isulat pangalan mo?!
Papa: wala kasi akong pirma (mahina na boses ni papa kasi sinisigawan na siya at ang daming tao sa loob ng room)
Him: ano? Hindi mo kaya isulat ung pangalan mo? Ano ba tinapos mo?!
Papa: grade 6 lang
Him: sus ano ba yan wala naman pala tinapos kukuha ka pa ng lisensiya.
Di talaga ako nakatiis kaya sumagot na ko. Nung nalaman niyang papa ko ung nilalait niya bumait siya at gusto niya pang tulungan ko papa ko sa exam. Awang awa ako kay papa. ? ang sama ng ugali mo kuya. Pasalamat ka mabait pa din papa ko at ayaw ka niya ireklamo kahit ipost mukha mo ayaw niya. Hayaan nalang daw. Pero may karma ka din. GRADUATE KA NGA PERO BASURA NAMAN UGALI MO. MAPANGLAIT KA SA KAPWA.
Update! Nareport na po ito sa LTO Olongapo. Aware na po sila sa nangyari at gusto nilang bumalik kami dun para humingi sila ng sorry dahil sa nangyari. I’m sorry pero hindi po kaya ng konsensiya ko na ireveal ung mukha ng lalaki. Yes may nagawa siyang mali pero as we all know grabe ang social media shaming. Galit ako sakanya pero pag pinost ko mukha niya it will not only affect him but also his entire family. Hindi po kaya ng konsensiya namin ni papa na madamay ang inosente dahil lang sa kasalanan ng isang tao. Sana po maintindihan nyo. Salamat po sa inyo. Okay naman po si papa. Basta kami makakatulog kami ng maayos dahil wala kaming tinatapakang ibang tao kung may nagawa mang mali sa papa ko siya ang magdadala nun. At kahit hindi ko po ipost ung mukha niya kilalang kilala po siya ng mga taga gapo dahil sa ugali niya. Sana lang talaga this time maaksyunan ng LTO Olongapo ang nangyari para di na maulit. Thank you po.

Facebook Comments
Please follow and like us:

7 thoughts on “WATCH : TATAY NA NAKATAPOS NG GRADE 6, PINAHIYA NG “LTO” DAHIL SA SIMPLENG PAGKAKAMALI!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

Mga Dahilan Kung Bakit Di Pa Nakakapagsulat Ang Mga Batang Nasa Pre-school

Fri Jul 31 , 2020
Post Shares: 11,113 Tingnan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng isang pangkaraniwang kamay ng bata sa preschool (kaliwa) at isang pangkaraniwang 7 taong gulang na kamay (kanan). Gusto mong malaman kung bakit hindi pa sumusulat ang isang batang nasa preschool? Ito ang dahilan kung bakit! Ang kanilang mga kamay ay […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email