WATCH : Willie Revillame NAGPAABOT NG MENSAHE KAY DONITA NOSE ”TALUNIN MO YANG VIRUS NAYAN”

1

Nagpaabot ng mensahe ang “Wowowin” host Willie Revillame sa isa sa kanyang mga co-host na si Donita Nose makaraang magpositibo ito sa COVID-19.

Willie Revillame (fictional) | Dream Fiction Wiki | Fandom


Sa segment ng programa nitong Martes, pinayuhan ni Kuya Wil si Donita Nose na agad magpagaling.
“Siyempre maraming nagmamahal sa’yo kaya you will be okay. Maraming tutulong sa’yo, huwag kang mag-alala,” saad ng host.

“Ikaw ang lalaban diyan, ‘yung COVID na ‘yan, sarili mo ang lalaban diyan,” dagdag niya.

Paalala pa ni Kuya Wil na kasama umano silang nananalangin sa mabilis nitong paggaling.

“Lumaban ka diyan ha. Talunin mo ‘yung virus na ‘yan para makasama ka pa namin.”

Samantala, nilinaw naman ng host na ilang linggo na umanong hindi lumalabas sa “Wowowin-Tutok To Win” ang naturang co-host bago pa man ito mabalitang positibo sa coronavirus.

Hulyo 10 daw nang huling mapanood si Donita sa nasabing show at nawala ito dahil may kailangan daw ayusin.

Kaugnay nito, wala rin daw kahit anong sintomas na nararamdaman ang co-host noong nasa programa pa ito.

Iginiit din ni Kuya Wil na lahat ng staff ng show ay nagpa-rapid test noong Hulyo 20, Lunes at negatibo raw ang resulta nilang lahat.

Facebook Comments
Please follow and like us:

One thought on “WATCH : Willie Revillame NAGPAABOT NG MENSAHE KAY DONITA NOSE ”TALUNIN MO YANG VIRUS NAYAN”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Human Verification: In order to verify that you are a human and not a spam bot, please enter the answer into the following box below based on the instructions contained in the graphic.


Next Post

LOOK : UNANG ASO NAGPOSTIBO SA COV.D NAWALAN NA NG BUHAY

Sat Aug 1 , 2020
Post Shares: 2,520 Buddy the seven-year-old German shepherd became sick in April, around the same time his owner Robert Mahoney was recovering from COVID-19, according to the magazine this week. Buddy seemed to have a stuffed nose and difficulty breathing, and his condition only worsened over the following weeks and […]
error

Enjoy this blog? Please spread the word :)

Follow by Email